Madalas ay sinasarili ko ang problema, marahil dahil alam ko namang ang bawat tao ay may sariling iniisip at dinaramdam. Sa isang makasariling mundo, minsan ang pagbubukas ng puso at pagbubulalas ng hinanakit ay hindi ganun katanggap, kaya nga tayo nagbubuhos ng sama ng loob sa mga piling taong alam nating naiintindihan tayo at mabibigyan tayo ng kaunting oras. Nitong mga nakaraang araw, napagod ang utak at puso ko. Alam ko na hindi ko ito kayang mag-isa nang biglang tumulo ang luha na unti-unting sinabayan ng hikbi. Ayun na. Lahat ng sama ng loob, ng itinatagong sakit, ng takot, ng pagsisisi, ng panghininayang - nailabas ko bilang maalat na tubig na nakakatigyawat (o taghiyawat). Pero bilang ako, kinaya ko pa ring humarap sa salamin at isiping magiging mabuti ang lahat. Mabuti na lang anjan ang tatay ko. Magkaiba kaming tumingin sa mga bagay. Siya ay pragmatic, ako ay idealistic , ngunit pareho kami ng pinahahalagahan. Tao, puso, tiwala, pamilya, kaibigan. Maliban sa ilon...